stones
yunit ng:
- Bigat
pangkalahatan na paggamit:
- Ang stone ay ginagamit rin sa karera ng kabayo para matukoy ang bigat na kailangang dalhin ng kabayo ( hindi kinakailangan ang jockey, kasama din ang penalty).
- Ang Stone ay nananatiling ginagamit sa pagtukoy ng bigat ng katawan ng tao sa ibang sport sa Inglater at Ireland, tulad ng boxing at wrestling.
- British o Irish na tao ay karaniwang tinutukoy ang kanilang timbang sa stone at pounds (hal. 12 st 6lbs) sa halip na gamitin ng buo ang pounds tulad ng paggamit sa Estados Unidos (147lbs).
- Ang "stone" ngayon ay ginagamit eksklusibo halos sa Inglatera at Ireland, bilang popular-kung impormal- paraan ng pagtukoy ng bigat ng tao. Ang Stone ay hindi opisyal na nakilala bilang yunit ng bigat mula noong 1985.
Paglalarawan:
Ang stone ay isang yunit ng panimbang sa Imperyal na sistema at ginamit sa UK at Ireland. na para lamang sa panukat sa bigat ng katawan. Kahit napahintulutan ng UE na gamitin bilang karagdagang yunit , ito ay hindi nagagamit sa labas ng UK at Ireland.
Kahulugan:
Ang stone ay yunit ng bigat na katumbas sa 14 pounds averdupois (o international lbs.). At pagdating sa stone, itoy katumbas ng 6.35029 kilo.
pinagmulan:
Ang pangalang 'stone' ay hango sa gawaing paggamit ng bato bilang pampabigat, karaniwang pagsasanay sa buong mundo sa halos sanlibong taon o mahigit pa.
Ang aktwal na yunit ng "stone" ay karaniwang ginamit bilang panukat ng bigat sa layuning pangangalakal sa boung Europa hanggang ika 19 na siglo at nung halos lahat ng bansa ay gumamit ng sistemang metriko, gayunman, ang aktwal na bigat ng "stone" ay nagkakaiba mula sa iba't ibang bansa at rehiyon, kahit nakadepende sa kung anong tinitimbang o anong kalakal.
Noong 1389 sa Englatera, ang "stone of wool" ay tinukoy na may bigat na 14 pound, at kahit ang "stone" ng ibang materyal ay may bigat na halos marami or kaunti(sa pounds), ang "stone" sa pangkalahatang gamit ay natanggap bilang nagtitimbang ng katumbas ng 14lbs.
karaniwang references:
- Ang isang 5piye 8pulgada(173cm) na taas ng normal na pangangatawan ng isang babae ay may tinatayang bigat sa pagitan ng walo hanggang labin-dalawang stone.
- Ang 6piye 0pulgada (183cm) normal na taas ng isang lalaki ay may karaniwang bigat sa pagitan ng sampu at labin-tatlong stone.
Multiples:
- 2 stone = 1 quarter
- 8 stone = 1 hundredweight
- 160 stone = 1 long ton