Pounds
yunit ng:
- Mass
- timbang ( hindi pang agham)
pangkalahatan na paggamit:
- U.K., U.S.A, Australia, Canada, New Zealand et al
Paglalarawan:
Ang pound ay isang panukat ng mass na ginagamit sa sistemang imperyal, at ito'y ginagamit sa pang araw-araw bilang yunit ng panimbang ( gravitational force ng isang nasabing bagay).
Kahulugan:
Ang imperyal ( avoirdupois , o international) pound ay opisyal na tinukoy bilang 453.59237 gramo.
pinagmulan:
Ang pangalang pound ay nagmula sa latin na libra pondo, o pound weight , ang Roman libra (kaya ang simbolo ay lb) na may bigat na halos 329 grammes.
Sa boung kasaysayan ang pound ( o sa lokal na pagsasalin) ay ginamit bilang panukat ng timbang sa iba't ibang bahagi ng mundo, kasama ang United Kingdom, France, Germany, Scandinavia at Russia. Kahit man ang eksaktong mass na tinutukoy habang ang pound ay nag iiba kada sistema, itoy halos magkapareho, kadalasan sa pagitan ng 350 at 360 metric grammes.
Sa UK napakaraming iba't ibang sistema ng paggamit ng pound ang nalikha, kahit ang avoirdupois pound( kilala ring wool pound) ang naging madalas na ginamit at ang long-lasting (dinaglat sa lb av o lb avdp). Isang klase na ginagamit ngayon ay ang Troy pound (humigit-kumulang 373 gramo), kadalasang panukat sa bigat ng mga mahahalagang metal.
Ang UK Weight and Measures Act noong 1878 ay unang tinukoy na imperyal pound pagdating sa metrikong yunit (1lb= 453.59265g), at noong 1893 sa Mendenhall Order tinukoy ang United States pound sa pamamagitan ng paglalarawan na kilo ay katumbas ng 2.20462 pounds.
Ang Estadous Unidos at ang mga bansa ng Commonwealth of Nations ay napagkasunduan sa isang kahulugan para sa pound ( at ang yarda) na nagsimula noong 1959 (UK 1964).
karaniwang references:
- Sa mga bansang ang lenggwahe ay Englis, ang timbang ng mga tao ay karaniwang tinutukoy sa stones at pounds, kahit sa Amerika ito rin ay karaniwang tinutukoy sa pounds.
- Sa UK at Ireland, ang mga pagkain ay karaniwang binebenta sa timbang na pound bago ang paggamit ng sistemang metriko na binebenta sa dami katumbas sa lumang imperial standard, tulad ng mantikilya kung saan karaniwang binebenta sa 454g (1lb) paketa.
- Ang anglers ay karaniwang tumutukoy sa laki ng nahuling isda pagdating sa pounds at ounces.
- Ang sikat na karakter na Shylock ni Shakespeare ay kilala sa katagang "poung of a flesh"(isang pound ng laman) bilang kasiguraduhang bayad ng utang.
konteksto na paggamit:
Sa siyentipikong aplikasyon ginagamit ang pound sa paglarawan ng masa, samantalang sa pang araw-araw na paggamit ay makikita bilang pagsukat ng timbang.
Ang pound ay may kasaysayan bilang ang paraan ng paglalarawan sa bigat ng "shot or shells" sa armas, at ang mga armas ay napangalanan sa kani-kanilang bala na taglay, tulad ng 32-pounder.
Sa UK at Amerika, ang pound ay ginagamit din para sa pagpapahayag ng pressure, pounds per square inch (p.s.i) ang tanggap na pamantayan.
Bahaging yunit:
- May labing-animouncessa isang pound, bagama't sa kasaysayan (pormal), ang pound ay tinukoy na binubuo ng 7,000 troy grains (gr) hanggang sa napagkasunduan ng Internasyonal na pamantayan at naipatupad noong 1959.
Multiples:
- 14lb=1 stone
- 28lb = 1 quarter (quarter of a long hundredweight)
- 112lb = 1 long hundredweight
- 2240lb = 1 ton (imperyal, or long ton)