UK Gallons conversion

Gamitin ang Search box para hanapin ang kinakailangang metric converter

UK Gallons

  • gal
  • g (ginamit lamang sa parte ng daglat mpg, para sa miles per gallon)
  • yunit ng:

    • volume / capacity

    pangkalahatan na paggamit:

    • UK, Ireland, Canada, Guyana

    Paglalarawan:

    Ang imperyal gallon ay isang yunit ng panukat sa volume ng likido o kapasidad ng isang imbakan ng likido, hindi ang mass nito. Kaya ang isang gallon ng isang likido ay may ibang mass kumpara sa gallon ng isa pang likido.

    Ang imperyal gallon ng likido ay tinukoy bilang 4.54609 litro, at ito'y sumasakop ng puwang na 4,546 kubiko sentimetro (humugit-kumulang 16.5 cm kubiko).

    Ang U.S. liquid gallon at ang U.S. dry gallon ay magkaiba at natutukoy sa magkaibang aspekto.Ang U.S. liquid gallon ay tinukoy na 231 kubiko piye at katumba ng 3.785 litro. Ang isang imperyal gallon ay katumbas ng 1.2 U.S. liquid gallons.

    Ang U.S. dry gallon ay isang panukat na kasaysayan ay ginamit sa volume ng mga butil o ibang tuyong produkto. Ito'y hindi na karaniwang ginagamit, pero ito'y tinutukoy bilang 268.8025 kubiko piye.

    Kahulugan:

    ang Imperyal (UK) galon ay opisyal na tinumbas sa 4.54609 litro.

    pinagmulan:

    Ang gallon ay isang sinaunang yunit para sa panukat ng volume o capacity at ito'y may maraming pagkakaiba-iba, parehong heograpikal at batay sa kung ano substansiya ang sinusukat.

    Noong 1824 ang Imperyal gallon ay natukoy sa UK bilang volume ng 10 lb ng tubig na tinimbang gamit ang partikular na paraan sa ilalim ng tiyak na kondisyon. Ang Weights and Measures Act of 1963 ay binago ang orihinal na paglalarawan  bilang ang space ay nilalalaman ng 10 pounds (4.5 kilo) ng tubig na may density 0.998859 g/ml at tumitimbang sa air of density 0.001217 g/ml laban sa weight of density8.136 g/ml.

    Nagsimula nung naipatupad ang Weights and Measures Act of 1985, ang Imperyal (UK) gallon ay naging opisyal na tinukoy bilang 4.54609 litro.

    karaniwang references:

    • Isang ordinaryong maliit na bariles (keg) ng draught beer sa UK ay naglalaman ng 11 imperial gallons.
    • Ang imperial gallon ng petrolyo(gasolina) ay makukunsumo ng isang tipikal na sasakyang pampamilya(may apat na pinto) sa UK(tulad ng the Vauxhall Astra 1.4i) sa layong 46.3 milya (74.5 Km).
    • Ang imperyal gallon ng petrolyo (gasolina) ay kinukunsumo ng isang Porche 911(996) sa layong 23.9  milya (38.5 Km).

    konteksto na paggamit:

    Bilang tugon sa isang EU direktiba, ang imperyal galon ay tinanggal mula sa listahan ng mga legal na pangunahing unit ng pagsukat para sa kalakalan at opisyal na mga layunin sa Ireland noong 1993 at sa UK noong 1994.

    Gayunman, ang galon pa rin ang opisyal na pinahintulutan para gamitin bilang isang sekondarya o pandagdag na yunit, at ito ay pinaka-karaniwang ginagamit sa publiko sa batayan sa dami ng petrolyo (gasolina ), at sa kalakalan para sa mga likido para sa pagkonsumo tulad ng beer , na kung saan ay ipagbibili sa mga bariles o kegs na binubuo ng standard multiples ng isang imperyal galon.

    Ang imperyal galon ay kadalasang ginagamit sa UK upang ilarawan ang kapasidad ng mga lalagyan ng pag-iimbak ng malaking volume ng likido, tulad ng water butts.

    Sa Canada, ang imperyal galon ay pangunahing ginagamit sa mga sanggunian sa ekonomiya ng gasolina . Ang gasolina ay naibebenta sa pamamagitan ng litro, ngunit ang ekonomiya ng langis ay madalas sa anyo ng milya kada galon.

    Bahaging yunit:

    • Imperial gallons ay maaaring tinukoy bilang isang maramihan ng ilang  mga natatanging yunit, ngunit ang yunit na karaniwang tinutukoy sa UK ay pints.
    • 1 imperial gallon = 8 pints

    Multiples: