Fahrenheit
yunit ng:
- Temperatura
pangkalahatan na paggamit:
- Ang Fahrenheit scale ay pinalitan ng Celsius scale sa halos bansa noong kalagitnaan hanggang huling bahagi ng ikaw -20 siglo, kahit ang Fahrenheit ay nanatiling opisyal na scale sa Estados Unidos, Cayman Islands at Belize.
- Sa Canada, nanatili ang Fahrenheit bilang karagdagang scale na pwedeng gamitin kasama ang Celsius at sa UK ang Fahrenheit scale ay nagpatuloy gamitin, lalo na pagdating sa pagtukoy ng mainit na panahon ( kahit malamig na panahon ay karaniwang tinutukoy gamit ang Celsius scale).
Kahulugan:
Ang Fahrenheit ay isang thermodynamic temperature scale, kung saan ang freezing point ng tubig ay 32 degree Fahrenheit (F) at ang boiling point ay 212 F ( sa standard atmospheric pressure). At dahil dito, ang boiling at freezing points ng tubig ay eksaktong 180 degrees ang pagitan. Kaya ang degree sa Fahrenheit scale ay 1/180 ng pagitan sa freezing point at boiling point ng tubig. Absolute zero ay katumbas ng -459.67 F.
Ang diperensya ng temperatura ng 1F ay katumbas sa diperensya ng temperatura na 0.556 C.
pinagmulan:
Ipinanukala at pinangalanan noong 1724 , sa Alemang pisisista na si Daniel Gabriel Fahrenheit ( 1686-1736 ). Pinasimunuan ni Fahrenheit ang paggawa ng thermometer gamit ang mercury, at ginamit ang 0°F bilang basehang temperatura kung pare-parehong dami ng yelo, tubig at asin ay pinaghalo. Dito nya tinukoy ang 96°F na temperatura bilang "kung ang thermometro ay nailagay sa bibig o sa ilalim ng kilikili ng buhay at malusog na tao.
Sa dakong huli, ang lamig ng temperatura ng tubig ay tinukoy bilang eksaktong 32 ° F , at sa normal na tao ang temperatura ng katawan ay 98.6° F.
karaniwang references:
- Absolute Zero, -459.67 °C
- Ang punto ng nagyeyelong tubig, 32°F
- ang mainit na araw tuwing tag-init sa temperatura, 72°F
- Ang normal na temperatura ng katawan ng tao, 98.6°F
- Kumukulong punto ng tubig sa 1 atmosphere, 212°F