pulgada
yunit ng:
- Haba / distansya
pangkalahatan na paggamit:
- Kauna-unahang ginamit sa Estados Unidos, Canada at Inglatera.
Paglalarawan:
Ang pulgada ay isang yunit ng haba na karaniwang ginagamit sa imperyal at sa kinaugaliang sistema sa panukat sa U.S., kumakatawan sa 1/12 ng piye at 1/36 ng yarda.
Kahulugan:
Nagmula noong 1959, ang pulgada ay tinukoy at pang internasyonal na tinanggap bilang katumbas ng 25.4mm (milimetro).
pinagmulan:
Ang pulgada ay ginamit bilang yunit ng panukat sa United Kingdom mula noong ikapitong siglo, at noong 1066 natukoy ito bilang katumbas sa haba ng 3 tuyong sebada ng mais na magkakarugtong mula sa kani kanilang dulo (paglalarawan na ginamit ng maraming bansa.)
Noong ika 12 na siglo ang Scottish inch ay tinukoy bilang katumbas sa lapad ng hinlalaki ng karaniwang tao mula sa dulo ng kuko. Katulad sa yunit ng panukat, ito ay ginamit sa maraming lugar na kung saan ngayon sa modernong Europa, ang inch sa Portuguese, French, Italian, Spanish at karamihan sa ibang salita ay naging parehas o naging katulad sa salita para sa hinlalaki.
Ang inch (pulgada) sa salitang Englis ay nagmula sa sa salitang Latin uncia, nangangahulugan isang-ikadoseng parte ( ang pulgada bilang tradisyunal na 1/12 ng piye).
Noon pa mang ika-doseng siglo,maraming kahulugan ng pulgada ang natukoy sa sa iba't ibang bahagi ng mundo, at kahit ito ay may kaibahan ng mas mababa sa 0.001%. Noong 1930 ang British Standard Institution ay ginamit ang pulgada na eksaktong 25.4mm, at ginawa rin ng American Standards Association noong 1933, at ang unang bansa na opisyal na gumamit ng depinisyong ito ay sa Canada noong 1951.
Noong 1959 sa Estados Unidos at ang British Commonwealth na bansa, pinirmahan ang kasunduan sa pamantayan ng 25.4mm na kuhulugan.
karaniwang references:
- Ang United States quarter (25 sentimo) ay may sukat na mababa ng isang pulgadang dyametro.
- Ang normal na mata ng isang tao ay humigit-kumulang na isang pulgadang dyametro.
konteksto na paggamit:
Noong 1995 sa UK ang pulgada ( kasama ang mga piye, yarda at milya) ay opisyal na ipinahayag bilang pangunahing yunit ng pagsukat para sa mga palatandaan ng kalsada at mga kaugnay na mga sukat ng distansya at bilis. Sa ibang mga konteksto ang metrikong pagsukat ay ang pangunahing sistema na ngayon, bagaman pulgada pa rin ang madalas na ginagamit, lalo na ng mga tao na ipinanganak at tinuturuan sa pre- decimal Britain.
Sa Estados Unidos , ginagamit ng mga surveyors ang US Survey inch , na tinukoy bilang 1 / 39.37 ng isang metro, nagmula sa Mendenhall Order of 1893 na tinumbas ang 1 piye sa 1200/3937 metro.
Bahaging yunit:
- Ang Pulgada ayon sa kaugalian, ang pinakamaliit na buong yunit ng pagsukat ng haba sa sistemang imperyal, na may sukat na mas maliit kaysa sa isang pulgada na nakasaad gamit ang fractions 1/2 , 1/4 , 1/8 , 1/16 , 1/32 at 1/64 ng isang pulgada.
- Sa UK noong unang bahagi ng ika-19 siglo, ang mga precision inhinyero ay nagsimulang gamitin ang 1/1000 ng isang pulgada bilang higit na mas naging possibleng tama at karamihan sa bagong fraction na ito ay naging kilala bilang "thou".
Multiples:
- 12 pulgada = 1 ft (piye)
- 36 pulgada = 1 yd (yarda)