United States dollar
Ang US Dollar(dolyar) ay ang opisyal na pera sa United States ng Amerika at isa sa pinakatanyag na pera sa boung mundo. Ito ang nangungunang pera sa boung mundo at ang may pinakamalaking reserbang pera. Maraming bansa ang may pera ng US Dollar bilang pangunahin at pangalawang pera. Ang dolyar ay may 100 sentimo at barya na may mga denominasyon na 1¢, 5¢, 10¢, 25¢, 50¢ at $1. Ang mga perang papel ay $1, $2, $5, $10, $20, $50 at $100.
Euro
Ang Euro ang opisyal ng pera ng 18 mga Eurozone na bansa. Ang pera ay pinamamahalaan ng European Central Bank (ECB) na nakabase sa Frankfurt sa tulong din ng Eurosystem. Maliban sa pagiging moderning pera, ito ay pangalawa sa pinakamalaking reserbang pera at pangalawa rin na nagagamit sa boung mundo. Ang Euro coins ay may mga denominasyon na 1c, 2c, 5c, 10c, 20c, 50c, €1 at €2. Ang perang papel naman ay mga €5, €10, €20, €50, €100, €200 at €500. Ang lahat ng bary ay may magkakaparehong mukha na nagpapakita ng halaga at mapa ng Europa at sa kabila naman ay ang iba't ibang pagkakakilala sa kani-kanilang kultura na kung saang bansa ito nagmula. Sa pagkakaiba ng mga ito, ito pa rin ay tinatanggap sa lahat ng bansa sa Eurozone. Ang mga papel ay pareho sa magkabilang pahina sa lahat ng bansa Sa Eurozone. Ito'y dinesenyo ng Austrian na si Robert Kalina, at sa bawat denominasyon ay may kanya kanyang kulay na nagpapahiwatig sa kasaysayan ng European architecture na may bintana at gate sa harap at tu
British pound
Ang Pound Sterling ay ang opisyal na pera ng United Kingdom, 9 British territories, Jersey, Guernsey, at the Isle of Man. Ang pound ay binubuo ng 100 pennies at barya na may denominasyon na 1p, 2p, 5p, 10p, 20p, 50p, £1, £2 at £5. Ang perang papel sa denominasyon na 1p, 2p, 5p, 10p, 20p, 50p, £1, £2 at £5. Naitatag noong ika-5 siglo, ang pound sterling ang pinakamatandang pera na gamit hanggang ngayon.
Japanese yen
Ang Japanese Yen (nabibigkas na "en" sa hapon) ay ang opisyal na pera ng Hapon. Mula pa noong 1871, ito ang pangatlo sa pinakanagagamit na pera sa boung mundo. Ang mga barya ay may denominasyon na ¥1, ¥5, ¥10, ¥50, ¥100 at ¥500 at ang papel na pera ay ¥1000, ¥2000, ¥5000 at ¥10000. Ang isang yen ay katumbas ng 100 Sen at 1000 Rin. Upang maiwasan ang mga pekeng pera, ang mga awtoridad ay iniingatan na dapat lahat ng pera ay mapanatiling malinis at walang sira sa pamamagitan ng pag eksamin sa lahat ng mga bumabalik sa bangko at pinapalitan at sinisira ang mga nawala na sa standard ng kanilang pera. Ang ¥5 at ¥50 na barya ay may butas sa sentro ng mga ito.