square Feet conversion

Gamitin ang Search box para hanapin ang kinakailangang metric converter

square Feet

  • sq ft
  • ft²
  • Sa paglalarawan ng arkitektura o real estate, ang square foot ay kadalasang may simbolo na square na may linya  o may guhit sa gitna nito.
  • yunit ng:

    • Area

    pangkalahatan na paggamit:

    • Ang piye parisukat ay ginagamit higit lahat sa Estados Unidos, Canada at Inglatera bilang panukat ng area.

    Paglalarawan:

    Ang piye parisukat ay isang yunit ng area na ginamit sa imperyal at U.S. na pangkaraniwang panukat na sistema.

    Ang parisukat na panukat ay dalawang-dimensional  na pinanggagalingan ng linear na panukat, kaya ang piye parisukat ay natukoy bilang area ng parisukat na may mga gilid na ang sukat ay 1piye ang haba.

    Kahulugan:

    Sa metriko, ang piye parisukat ay parisukat na may mga sides na may sukat 0.3048 metro. Isang piye parisukat ay katumbas ng 0.09290304 metro parisukat.

    karaniwang references:

    • Ang anim na palapag ng White House (Washington D.C., U.S.A.) ay may kabuuang sukat na halos 55,000 piye parisukat.
    • Noong 2003 ang normal na pinatatayong bahay sa UK ay may floor-plan na 818 ft², kung saan ang bagong gawang bahay sa US ay may mas malaki ng tatlong beses, na may floor-plan ng2,300 ft².

    konteksto na paggamit:

    Ang isang talampakang parisukat ay pangunahing ginagamit upang ipahiwatig ang mga lugar sa arkitektura , real estate at interior space plans.

    ang Piye parisukat ay maaaring gamitin upang ilarawan ang area ng anumang ibabaw tulad ng isang floor -plan , pader o bubong , samantalang ang acres ay ginagamit lamang upang ilarawan ang lugar ng isang parsela ng lupa.

    1 talampakang parisukat = tinatayang .000022959 acres.

    1 acre = 43,560 talampakang parisukat

    Upang kalkulahin ang lugar ng isang kuwarto sa piye parisukat , sukatin ang haba at lapad ng kuwarto sa panukat na piye, pagkatapos ay imultiply sa isat isa ang nakuhang sukat upang makuha ang resulta ng area sa ft² .

    Halimbawa, ang isang kuwarto sa sukat na 12 piye x 15 piye ay inilarawan bilang pagkakaroon ng isang lugar ng 180 ft² (12 x 15 = 180 ).

    Sa paggamit ng piye parisukat, mahalaga na tandaan na ang numero sa piye parisukat ay tumutukoy sa kabuuang lugar at hindi ang aktwal na sukat ng dimensyon nito. Halimbawa, ang isang kwartong inilarawan bilang 20 ft² ay hindi 20ft x 20ft ang sukat, (kung saan sa katunayan ay isang 400 ft² kwarto). Sa halip, isang kuwarto na may sides na may sukat na 4piye x 5piye at sa kabuuang sukat ay may 20 ft².

    Bahaging yunit:

    • 1 piye² ay  binubuo ng 144 square pulgada (Sq In- o squares na may mga tagilirang ang sukat ay 1  pulgada).

    Multiples:

    • 1 yarda parisukat (Sq Yd) = 9 ft²
    • Isang yarda ay 3 piye, kaya ang yarda parisukat ay pwedeng isipin na isang parisukat na may sides na sumusukat ng 3 piye, o parisukat bloke na binubuo ng siyam na parisukat na may sides at sumusukat ng isang piye haba kada sides.